Isa ang Pilipinas sa mga bansang napakayaman sa natural resources. Isa din ang Pilipinas sa pinakamabilis na pagkaubos ng flora at fauna dulot nitong tuloy-tuloy na pagkasira ng ating kagubatan.Sa pangkalahatan, ang naging pinsala sa ating kalikasan ay buhat sa walang humpay na pagmimina. Napakarami nang ilog at kagubatan ang namamatay malapit sa mga lugar ng pinagmiminahan. Ang ating mga mahihirap na mamamayan ay hirap na hirap na sa pagpasan ng problema dulot nitong walang katapusang pagmimina sa ibat-ibang lugar. Buhay ng tao maging ang kanilang kabuhayan ay naging apektado sa tuwing may darating na bagyo. Nitong mga nagdaang araw lamang ay pumasok sa area of responsibility ng Pilipinas ang mga malalakas bagyon na naging resulta sa kamatayan ng libo-libo katao na nagresulta ito sa mga pagguho ng mga lupa sa lugar dulot ng pagmimina at pamumutol ng mga kahoy sa kagubatan.Napakarami na rin ang buhay na nawala dahil sa kanilang agarang pagtutol sa pagmimina ng mga malalaking mining company sa kanilang lugar. Bahagi ito ng mahalgang panawagan ng mga maliliit na minero umaasa lamang sa kanilang lupang sinasaka sa naturang lugar.
Ang programa ng Mindanao Central District Committee on Church and Society, United Methodist Men, and Council of Young People Ministry (CYPM) ay sinimulan sa 1st Sustainable Ecological Agriculture Training noong nakaraang August 22-23, 2014 @ Galilee United Methodist Church, Pasandalan, Lebak, Sultan Kudarat. Ngayon, sa 2nd phase of training on seed and fertilizer production, binigyan ng pagkakataon na e integrate ang mga mahahalagang totoong kalagayan ng ating lipunan ang “pagbabago ng klima at ang walang humpay na pagmimina sa ibat-ibang lugar kung saan ito rin ang posibleng nakakaapekto sa ating mga pananim. Nais din nating mapagalaman ang mga mahahalagang isyu sa ating lipunan, kagaya ng BBL o Bangsamoro Basic Law. Ang naturang tema sa training na ito ay “Gawin Natin: Balik Kalikasan para sa mapayapa at maunlad na pagsasaka ngayon at magpakailanman”( Let’s do it: Back to the nature for peaceful and progressive farming now and forever. This program aimed to make the people aware on the impact of chemical fertilizer to the life of people, to keep in touch with our local farmers is one of the church people commitment to uplift and sustain the endeavors in promoting organic or natural farming.
Ang krisis sa bigas ay malaki ang nagiging epekto sa ekonomiya ng ating bansa, lalo na sa mga mahihirap na magsasaka. Batay sa naging karanasan , hanggang ang pagsasaka ay umaasa sa inaangkat na kemikal na abono at pestisidyo, ang Pilipinas ay palaging nakakaranas nang mga problema kaugnay ng kakulangan at pagtaas ng presyo ng bigas, ang pangunahing pagkain ng mahigit na 90 milyong Pilipino. Ito ang nagtulak sa mga organisadong magsasaka, mga taong simbahan at mga kasama natin sa ibat-ibang paaralan o unibersidad na magsama-sama sa harapin ang pambansang problema. Sa kabilang dako, nakakalito ang ating panahon. Mainit tapos ay biglang uulan. Tag-araw pero mukhang napaaga ang pagpaparamdam ng tag-ulan. Ilan lamang ito sa sinasabing mga sintomas ng pagbabago ng klima o climate change. Mukhang wala nang mas magandang pruweba sa pang-araw-araw na epekto nito sa karaniwang tao para sila mamulat at kumilos para harapin ang naturang isyu. Ang pagkawasak ng kagubatan, kabundukan, mga ilog at karagatan ay nagresulta na sa isang krisis sa kalikasan na lalong nagpapahirap at nagiging banta sa pag-iral ng mga mamamayan.

Kaya panawagan at hamon para sa atin ngayon, para sa kapakanan ng kalikasan at mga mamamayang sumasampalataya, harapin natin ang isyu ng climate change. Dapat na itigil at bawiin ang mga mapaminsalang mga programa sa pagmimina at pagtotroso. Kung hindi tayo kayang protektahan ng gobyerno mula sa sakunang dulot ng nagbabagong panahon, ang tanging pag-asa ay kolektibong pagkilos at pagkakaisa sa pagharap sa banta ng pagbabago ng klima sa sarili nating mga pamamaraan at sariling lakas bilang mga taong simbahan.
Isa pang mahalagang isyu na dapat bigyan ng kaukulang pansin sa training na ito ay ang isyu ng BBL o Bangsamoro Basic Law. Nararapat din nating masimulan sa simbahan ang isang focus group discussion tungkol sa usapin ng BBL. Nasimulan na at NAgkaroon ng joint FGD sa BBL sa pangunguna ng Metro Kidapawan Chambers of Commerce and Industry Foundation, Inc (MKCCIFI) at Southern Philippines Methodist College, Inc. (SPMCI) noong November 26, 2014. Ito’y naganap sa Spottswood Methodist Mission Center, Kidapawan City, North Cotabato. The FGD workshop was facilitated by Prof. Framer Christy P. Mella, President of the Southern Philippines Methodist College. Ang naturang output ay kanilang ete turned-over sa representative of the Office of the Executive Secretary and the Office of the Presidential Assistance on the Peace Process (OPAPP).
Inaasahan din ng ating mga participants sa training na ito ang limang katanungan sa isasagawang Focus Group Discussion.
1. What is your understanding about Bangsamoro Basic Law (BBL)?Ano ang iyong pagkaunawa tungkol sa BBL?
2. Is there anything that you do not understand or you want to clarify about BBL?Mayroon ka bang hindi nauunawaan o nais linawin tungkol sa BBL?
3. What do you think would be the positive and negative impacts of BBL to you and your community?Ano sa palagay mo ang maganda at di magandang maidudulot ng BBL sa iyo at iyong komunidad?
4. Are you in favor or against of BBL? Why? (Optional)Pabor kaba o hindi pabor sa BBL, bakit?
5. Do you have any suggestions/recommendations about BBL?Mayroon ka bang suhestyon/rekomendasyon tungkol sa BBL?

Magkaganon, ang Mindanao Philippines Annual Conference-Mindanao Central District Committee on Church and Society, Ethnic Local Church, United Methodist Men in the Philippines, and Council on Young People Ministry ay inaasahang magkakaroon din ng makabuluhang output at ang ganitong gawain ay agarang maiparating sa lahat ng Iglesia local at ating komunidad na ginagalawan.
Ang mga taong simbahan ay patuloy na lumalaban at nakikiisa sa tunay na realidad at nangyayari sa kanayunan lalo na ang pagsuporta at tutulan ang mga pagmimina ng mga multi-national corporations at paglabag ng mga berdugong militar sa karapatang pantao.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento